Ikinatuwa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-apruba ng Kongreso sa Modernization Bill ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isa sa priority legislative measure ng Pangulong Rodrigo Duterte na mapalakas pa ang fire prevention, emergency medical and rescue services sa pamamagitan ng pagbili ng mga modernong kagamitan at mapalawak pa ang capacity enhancement ng mga fire personnel.
Ayon kay Sec Año, very timely ang isinagawang ratification sa nasabing batas dahil ipinagdiriwang ng BFP ang kanilang ika-30th anniversary ngayong taon.
Kumpiyansa ang kalihim na agad ito pirmahan ng pangulo dahil siya mismo ang nagsusulong sa modernization program ng BFP.
Magugunitang inaprubahan ng Senado ang reconciled version ng Senate Bill (SB) 1832 at House Bill (HB) 7406 with 14 ayes, four nayes, at two abstentions, kabilang ang pagbibigay otoridad sa mga BFP special unit ng bawat siyudad at municipalities na magbitbit ng armas.
Nilinaw naman ni Sec. Ano na hindi lahat ng BFP personnel ang otorisadong magbitbit ng armas.
Aniya nasa 2,000 BFP personnel lamang ang papayagan o authorized na magbitbit ng armas at ito ‘yung mga ma-a-assign sa iminumungkahing BFP Security and Protection Unit (SPU).
Sinisiguro naman ni Ano na hindi maaabuso ang nasabing probisyon.
Inatasan na rin ni Ano si BFP chief Jose Embang Jr. na maghanda sa kanilang revised organizational structure and staffing, mga kakailananing dokumento para sa dagdag na procurement ng mga fire trucks, modern fire-fighting tools, rescue and life-saving equipment.
Kabilang sa mga proposed modern firefighting equipment ay mga fire boats para sa low-lying and coastal areas, helicopters for emergencies na hindi marating ng mga land vehicles; rescue and hazard material trucks, at iba pang emergency vehicles and equipment.
Nakatakda din na mag-hire ng dagdag na BFP personnel at pag construct ng mga dagdag pang fire stations nationwide.
Inihayag ni Sec Ano na sa ngayon ang BFP ay mayruong 30,811 personnel o nasa 55.74% lamang sa kabuuang requirement na nasa 55,270 fire officers para mapagsilbihan ang 110.54-million projected population ngayong 2021.
Ayon sa kalihim ang ideal firefighter to population ratio is 1:2,000 at isang fire truck ay kailangan ng 14 na fire officers ng sa gayon maging handa ito sa lahat ng panahon lalo na kung may fire and rescue; natural disasters or calamities, COVID-19 responses, at maging sa Chemical, Biological, Radiological, Nuclear (CBRN) threats.
Sa ngayon ang BFP ay mayroong 1,852 fire trucks sa buong bansa na masasabing well-conditioned na magagamit kaagad.
Naniniwala ang kalihim na napakalaking hakbang tungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng BFP ang BFP modernization bill para mas maging mabilis ang kanilang pagtugon at pag-aksyon sa sunog at iba pang emergency kasama na ang COVID-19.