Nakay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na raw ang bola sa pagpirma sa draft ng executive order (EO) na para mapalawig pa ang tariff rates sa imported na karne, bigas, mais at uling para sa buong taong 2023.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ang naturang EO ay inindorso ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board kay Pangulong Marcos.
May petsang Disyembre 31, 2023 ang kanilang ipinanukalang extension para mapababa ang taripa ng karne, mais at bigas.
Habang ang uling ay wala pang petsa at subject para sa isasagawang review kada semestre.
Ang panukalang EO ay mag-e-extend sa validity ng EO 171 na magpapaso na sa Disyembre 31, 2022.
Sa ilalim ng EO 171 na inisyu ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong buwan ng Mayo ang tariff rate para sa in-quota at out-quota pork shipments ay nasa reduced rates na 15 percent mula sa dating 30 percent at 25 percent mula sa dating 40 percent base sa pagkasunod.
Para sa bigas, napanatili rin ang mas mababang tariff rates sa bigas na 35 percent sa in-quota at out-quota imports maging ang reduced duty para sa corn shipments sa limang pursiyento mula sa dating 35 percent para sa in-quota at 15 percent naman mula sa 50 percent para sa out-quota.
Kasama rin sa order ang pagtanggal sa 7 percent tariff sda coal imports.
Sinabi ni Balisacan na ang extension ay magbibigay na relief sa mga mahihirap at vulnerable segments ng Filipino population.
Ito ay dahil na rin sa mataas na inflation.
Sa pamamagitan ng naturang polisiya magiging daan ito para sa augmentation sa domestic food supplies, ma-diversify ang mga sources ng food staples at temper inflationary pressures dahil sa supply constraints at pagtaas ng international prices ng production inputs dahil sa external conflict.
Ngayong traon, ang year-to-date inflation ay may average na 5.8 percent at nalagpasan na ang target range na 2 percent sa 4 percent matapos ang naitalanag 8.0 percent inflation noong nakaraang buwan.
Pero, iginiit naman ng pamahalaan ang two hanggang four percent inflation rate ceiling para sa susunod na dalawang taon at pareho ito sa susunod na dalawang taon.