-- Advertisements --
Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan – Ikinatuwa ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P25 bilyon na pondo para sa Boracay Medium-Term Action Plan na kakailanganin sa full rehabilitation ng pamosong isla.

Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) general manager Dir. Natividad Bernandino, gagamitin ito sa itinakdang thematic areas sa enforcement of laws, rehabilitation, recovery at environmental protection.

Patunay lamang aniya ito na espesyal para sa Pangulo ang Boracay dahil napakalaking pera ang inilabas ng pamahalaan para sa pagsaayos ng maliit na isla.

Dahil dito, aasahan na aniyang magtuloy-tuloy ang trabaho ng iba’t ibang ahensya sa tanyag na isla.