-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Welcome development sa lokal na pamahalaan ng Malay ang pag-apruba ng Boracay Inter-Agency Task Force sa saliva reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test para sa mga turistang gustong magbakasyon sa isla ng Boracay.

Sa isang text message, sinabi ni Malay Mayor Frolibar Bautista na matagal na nilang hinihintay ang pagpapalabas ng naturang desisyon bilang alternatibo sa nasal swab test.

Kaninang umaga ay tinalakay ng Boracay IATF ang naturang hiling ng LGU-Malay at mga stakeholders.

Itinutulak ang paggamit ng saliva test dahil halos 50 porsiyentong mas mura kumpara sa hinihinging swab test.

Maliban dito, mabilis rin ang pagpapalabas ng resulta nito ng tatlo hanggang apat na oras lamang kaysa sa 12 hanggang 24 oras para sa swab testing.