-- Advertisements --

mup2

Inaprubahan na ng house panel ang revised MUP Pension Reform matapos nagkasundo ang economic managers ng Kamara at military and uniformed perssonel sa magiging bersiyon ng panukala.

Ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, ad hoc committee chair, ang inaprubahan nilang bersiyon ng panukala ay magagarantiya ang 3% na salary increase ng mga MUP sa susunod na sampung taon.

Magiging 57 years old na rin ang retirement age sa lahat ng MUP na kinabibilangan ng AFP, PNP, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, BJMP, BUCOR at NAMRIA.

Sinabi ni Salceda na mananatili din ang indexation na katumbas ng 50% ng kanilang comparable rank at ang pagkakaroon ng lump sum para sa mga PNP personnel na mas mababa sa 20 taon na serbisyo gayundin ang pagkakaroon ng magkahiwalay na trust fund para sa AFP at non AFP MUP pati na ang sub-fund para sa mga indigent o disadvantage MUP sa ilalim ng trust fund.

Pumayag na rin aniya ang mga MUP na magkaroon ng contribution.

Para sa active personnel, magsisimula ang kanilang kontribusyon sa 5% sa unang tatlong taon at tataas sa 7% at 9% matapos ang tatlong taon, ang government share naman ay magiging 16%, 14% at 12%.

Pero ang mga new entrants, otomatikong 9% agad ang magiging kontribusyon.

Pahayag ni Salceda, dahil sa tulong ng ‘fiscal engineering’ mula sa dating 9.6 trillion na projected funding para sa MUP pension ay naibaba nila ito sa 2.29 trillion na lang.

Nilinaw naman ni Salceda na kailangan maipasok sa 2024 budget ang dagdag na 70 billion pesos na siyang bahagi ng 12% contribution share ng gobyerno at ang 7 billion para 20 years service lump sum ng PNP at BFP.

Target naman ni Salceda na maisalang ito sa plenaryo bago maikayat ang 2024 national budget.

Ang mga napagkasunduang provisions ay ang mga sumusunod:

  1. Retention of promotion to one rank higher upon retirement
  2. Uniform 90% of longevity pay plus base pay for lump sum benefit upon separation below 20 years in service
  3. Uniform multiple of 1.0 x Years of Service for lump sump benefit
  4. Guaranteed 3% annual increase in salaries for 10 years
  5. indexation of pensions to 50% of adjustment in pay
  6. Creation of window for indigent pensioners under the trust funds
  7. Regular IFRS-compliant reports every three years for the pension system
  8. Phased in contribution (5% for the first three years, 7% for the next three years, 9% thereafter for active personnel; 9% immediately for new entrants – but larger government counterpart to complete 21% contribution).