Trabaho lang ang ginawa ng pambansang pulisya sa pag aresto kay dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).
Ayon kay PNP chief PGen. Oscar Albayalde ipinatupad lamang nila ang kautusan ng korte.
Aniya, kapag hindi nila isinilbi ang warrant of arrest para sa dating kalihim sila ang mananagot sa korte.
Sinabi ni Albayalde na mayroong standing warrant of arrest ang dating kalihim kaya siya inaresto.
Si Yasay ay inaresto dahil sa paglabag sa dalawang banking laws.
Nakalaya na rin ang dating kalihim matapos magbayad ng P240,000.00 piyansa.
Nilinaw naman ni PNP chief na walang bahid pulitika ang pag aresto sa dating kalihim.
Giit ni Albayalde walang kinalaman ang PNP sa kaso ni Yasay.
” Nasa kaniya na yun pero as I have said meron siyang warrant of arrest so kailangan talaga siyang ano. In fact hindi naman siya nagsalita, how can they say na namumulitika siya at he underwent the process of booking, documentation,” wika ni Albayalde.