Hindi makatarungan ang pag aresto kay dating Pangulong RodrigoDuterte.
Ito ang inihayag ni dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Sa isang pahayag sinabi ni Panelo na hindi pinayagan ng PNP ang mga abogado ng dating Pangulo na makipagkita sa kaniya upang kwestiyunin ang legal basis sa pag aresto kay dating Pangulong Duterte.
Giit ni Panelo pinagkaitan ng legal na representasyon ang dating pangulo sa oras ng kanyang pag aresto.
Dagdag pa ni Panelo hindi kukwestiyunin ang pag aresto kung mayruong hard copy ng arrest warrant na ipinakita.
Nanindigan si Panelo, na ang pag aresto kay Duterte ay iligal dahil ang ICC arrest warrant ay nagmumula sa isang spurious source, ang ICC ay wala ng hurisdiksyon sa Pilipinas.
Sa aksyon ng gobyerno, magiging kriminal ang pananagutan ng arresting team gayundin ng mga public officials na nag uutos na arestuhin ang mga ito.