-- Advertisements --
Itutuloy na ni US President Donald Trump ang gagawing pag-aresto sa mga ilang libong undocumented migrants ngayong weekends.
Papangunahan ito ng mga agents ng Immigration and Customs Enforcement Agency.
Dagdag pa ni Trump na dahil sila ay iligal na dumating sa bansa kaya nararapat na sila ay pabalikin sa mga kanilang pinagmulan.
Dagdag pa nito na prioridad nilang arestuhin ang mga may kaso at gang members.
Layon aniya ng raid ay ang pagtanggal ng mga kriminal sa kanilang bansa.
Inaasahan na isasagawa ng ICE ang raid sa 10 major cities.
Binatikos ito ng ilang mga mambabatas at pinayuhan ang mga residente na huwag magpapasok ng mga Immigration Customs Enforcement Agency kapag wala silang dalang anumang search o arrest warrants.