-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Bishop Oscar Jaime Florencio ng Military Ordinariate of the Philippines na ang pag-asa ay dapat na manatiling buhay para sa lahat ng tao – kabilang ang mga nakakulong. 

Ito ang pahayag ng obispo nang magbigay ito ng mensahe sa Manila City Jail kung saan ang pagkakakulong ay hindi dapat makitang katapusan ng pag-asa. 

“Even though you are in prison, there is still hope We all face challenges— whether inside or outside these walls. What matters most is that in the face of challenges, hope remains,” saad ni Florencio. 

Kinilala ng obispo ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga bilanggo ngunit pinaalalahanan niya ito na ang kahirapan ay bahagi ng buhay para sa lahat, anuman ang kalagayan.

Hinimok din niya ang mga ito na panatilihin ang kanilang pananampalataya sa pag-ibig ng Diyos. 

“The love of God is greater than the challenges we face,” ani Floencio. “We must not fear, because God’s love is stronger than all trials. That love walks with us, whether we are free or imprisoned.”