Iniulat ng isang global cybersecurity at digital privacy company na domoble pa umano ang na-detect na pagtatangka ng mga hackers sa local e-commerce business at sa banking sector sa second quarter ng taong kasalukuyan.
Ito ay kumpara sa unang tatlong buwan ng taon.
Kabilang sa na-monitor ng mga experts mula sa Kaspersky ay ang paglaganap ng phishing kung saan isang uri ito nang panloloko gamit ang internet na naglalayong makuha ang users credentials.
Kabilang na rito ang pagnanakaw sa mga passwords, credit card numbers, bank account details at iba pang mga confidential information.
Kadalasan daw ang sistema ng panloloko gamit ang phishing ay ang pagpapadala ng mga mensahe pero mga peke na notifications sa mga providers, e-payment systems, banks, at iba pang organizations.
Kaugnay nito, nakapag-record daw ang cybersecurity company ng umaabot sa 77,092 phishing incidents sa second quarter, kumpara noong first quarter na umaabot lamang sa 15,119.
Lumalabas na nasa 409% ang surge o pagtaas ng phishing attempts mula April hanggang June nitong taon.
Dahil sa COVID-19 pandemic lalong lumakas nga ang online shopping sa Pilipinas.
Kabilang sa mabenta sa online business ay ang mga beauty products, electronics, fashion, furniture, health, at household care products.
Dahil sa pagtaas ng phishing detections sa e-commerce industry sa Pilipinas, nahanay tuloy ang bansa na nasa ikatlong puwesto sa mga Southeast Asian neighbors na nauuna ang Malaysia (572.48%) at ang Indonesia (443.33%).
Samantala ilan sa tips para iwas sa mga hackers lalo na sa mga phising attempts:
-mag-ingat sa mga hinihinalang mga email. Kung hindi kapanipaniwala ang mensahe mag-check hanggang triple check.
-magmantine ng dalawang email addresses kung gumagamit ng free accounts. Ang isang email ay para sa official use at ang isa naman ay para sa websites na bubuksan.
-hindi lahat ng Smartphones ay secure, dahil maraming mga malicious software na posibleng makapasok sa mga contacts lists at financial apps. Kaya iwasan sa pag-click sa mga websites addresses.