Kinundena ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang pag-atake ng ilang tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pagkasugat ng 12 iba pa.
Matatandaang nangyari ito kahapon, Enero 22, 2025.
“I strongly condemn the attack in Basilan on Wednesday, January 22nd, which tragically resulted in the deaths of two soldiers and injuries to twelve others. This cowardly act was perpetrated by lawless armed men who intend to derail the peace process that Basilan is now starting to enjoy,” wika ni Sec. Galvez.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang kalihim sa mga naulilang pamilya ng mga sundalong nasawi.
Kaakibat nito,nangako ang kalihim sa mabilis na pagkamit ng hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan sa mga mamamayan ng nasabing probinsya.
Marami sa mga residente ang balot pa rin ng takot ngayon dahil sa pangyayari.
“We also call on the leadership of the Moro Islamic Liberation Front to conduct its own investigation and help bring the perpetrators to justice. We are reassuring the people of Basilan of the government’s commitment to peace, justice, and security,” dagdag pa ng kalihim.