-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang pag-atake ng NPA sa isang settlement area sa Kabankalan City, Negros Occidental na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat naman ng tatlong iba pa.

Sa isang statement mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) nasa 30 miyembro ng NPA ang umatake sa naturang lugar.

Kabilang sa mga nasawi ay mga miyembro ng Revolutionary Proletarian Army- Alex Boncayao Brigade- Tabara Padua Group (RPA-ABB-TPG), na nagpasok sa isang peace agreement sa gobyerno.

Inilarawan ni Galvez ang insidenteng ito bilang hayagang pag-atake sa peace efforts na ginagawa ng pamahalaan.

Iginiit ng opisyal na dapat managot sa batas ang mga nasa likod ng pangyayaring ito.