-- Advertisements --

Anim na miyembro ng rebeldeng grupo at apat na security officials ang nasawi sa pag-atake ng Balochistan Liberation Army sa Pakistan.

Inatake ng rebeldeng grupo ang mga sundalo at security installations sa pamamagitan ng paggamit ng rocket at pagbabaril sa mga ito.

Nagkaroon naman ng minor damage sa police station ng lugar at ilang pagsabog din ang naitala sa paligid nito.

Ang Balochistan Liberation Army ay mga armadong grupong kinokondena ng gobyerno ng Pakistan na nananatili sa pagitan ng border ng Iran at Afghanistan.

Pinaglalaban ng rebeldeng grupo ang pantay-pantay na pamamahagi ng resources ng bansa at inaakusahan nito ang pamahalaan ng Pakistan na hindi umano pinapakinggan ang hinaing ng mga residente.