-- Advertisements --

Aabot sa mahigit isang milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang matagumpay na authenticate gamit lamang ang kani-kanilang National Identification Card.

Nanguna sa pagsasagawa ng naturang proseso ang mga kinatawan mula sa Philippine Statistics Authority.

Batay sa datos, as of May 8 ng kasalukuyang taon, pumalo na sa kabuuang 1,010,464 na mga benepisyaryo ng 4Ps ang na authenticate ng ahensya.

Ang bawat benepisyaryo nito ay sumalang sa fingerprint scanning na siya namang itinutugma sa National ID registry nito sa sistema ng PSA.

Kasabay ng programang ito, nag-alok rin ang PSA ng iba pang mga serbisyo ng National ID sa bawat benepisyaryo nito at sa kanilang pamilya.

Nanguna rin ang ahensya sa pagpaparehistro at pamamahagi ng ePhilID.