-- Advertisements --

VIGAN CITY – Papayagan umano ng provincial government of Ilocos Sur ang pag-angkas kahit walang barrier sa pagitan ng driver at backrider.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Governor Ryan Singson, sinabi nito na pinayuhan umano sila ng regional office ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gumawa ng sariling executive order hinggil sa pagpapatupad ng angkas sa kani-kanilang lalawigan ngunit kinakailangang alinsunod pa rin ito sa mga guidelines ng national government.

Aniya, tanging mga mag-asawa at mga magkakapamilya na nakatira sa iisang bubong ang papayagang magka-angas sa isang motorsiklo, maliban sa mga menor de edad.

Kinakailangan lamang umanong mayroong suot na helmet at face mask ang mga magkaka-angkas sa motorsiklo upang hindi sitahin at pagmultahin kung sakali.