-- Advertisements --

Walang magiging epekto sa suplay ng karne ng manok ang temporaryong poultry meat importation ban ng mga karne ng manok mula sa Brazil.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI) na sa kabuuang 300 million na kilo na mga imported na karne ng manok sa bansa, ay 15% lamang dito ay mula sa Brazil.

Sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo, na mayroong 14 na bansa kung saan kumukuha ang Pilipinas ng mga karne ng manok.

Mayroon pang sapat na suplay ng karne ng manok sa bansa ngayon taon.

Kung saan aabot pa sa 150 araw ang surplus sa mga karne ng manok sa bansa.

Magugunitang nagpatupad ng Department of Agriculture (DA) ng importation ban sa mga karne ng manok sa Brazil matapos na madiskubre sa China na nagtataglay ito ng coronavirus.