-- Advertisements --
harry roque

Wala umanong balak ang Malacanang na ipa-ban din sa Pilipinas ang popolar na Chinese mobile application na TikTok na sumikat sa buong mundo.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Secretary Harry Roque, hindi nila gagayahin ang ginawa ng bansang India at balak gawin ni US President Donald Trump.

Una rito, sinabi ng mga otoridad sa Amerika na maaaring ang TikTok app ay nagagamit din ng China sa intelligence gathering.

Pero depensa naman ni Roque wala raw silang nakikitang dahilan na sumunod din na ipa-ban dito sa bansa ang TikTok.

Giit pa ng kalihim, hindi raw manunupil sa karapatan ng malayang pamamahayag ang Pangulong Duterte at sa katunayan wala pa itong pina-ban na website sa Pilipinas.

“Wala pong dahilan na nakikita para i-ban ang TikTok dito sa Pilipinas,” ani Roque sa virtual briefing. “Sa mga nagsasabi na nanunupil si Presidente ng karapatan ng malayang pananalita wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente.”

TikTok

Kung ipapaalala si Sec. Roque ay tagasunod din ng TikTok at nagsayaw pa ito na kinunan niya ng video.

Si Roque ay meron ding libu-libong mga followers sa social media.