-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Dumepensa si Gensan Mayor Ronnel Rivera na hindi gawain na pigilan ang mga flight mula sa NAIA .

Ayon pa nito na patuloy ang pakig-ugnayan para sa sweeper flight para makauwi ang mga ito.

Dagdag ni Rivera na magdepende ang pagbiyahe sa mga dokomento na aprub ng Regional Inter Agency Task Force .

Ayon pa nito na sinusunod ng lungsod ang mga patakaran na pinatupad ng DILG para tulungan na makauwi ang lahat na staranded na residente.

Nilinaw din nito na alam ng IATF ang mga flight s para makauwi ang mga residente.

Unang binatikos ng mga stranded LSI at OFW na kagagawan ng LGU Gensan ang pag cancel ng mga flights kayat naantala ang kanilang pag-uwi.

Nalaman na nitong Martes ng madaling araw may 57 LSI ang dumating dito sa Gensan base narin sa kompirmasyon ni CAAP Edgardo Manuel Cueto.