KALIBO, Aklan—Pinaghahandaan na ng Diocese of Kalibo ang pag-convert na museum sa bahay ng namatay na si Cardinal Jaime Sin sa bayan ng New Washington, Aklan.
Ayon kay Rev. Fr. Justy More, Vice Chancelor at Historical Research, and Cultural Council ng Diocese of Kalibo, kasunod ito sa nalagdaan na Memorandum of Agreement (MOA) sa gitna ng Diocese of Kalibo at Serviam Foundation na siyang may custody sa bahay.
Naganap ang paglagda sa MOA ng dalawang kampo matapos ang misa na pinangunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos kasabay sa ika-95 taon na kaarawan ni Cardinal Sin sa Manila Cathedral kamakailan lamang.
Lumagda sa MOA sina Msgr. Rolando dela Cruz at Fr. Rufino Sescon Jr. ng Seviam Foundation; Bishop Jose Corazon Tala-oc at Rev. Fr. More.
Dagdag pa ni Fr. More na layon ng Diocese sa pag-convert nito bilang museum upang ma-preserve ang iniwan ni Cardinal Sin gayundin maturuan ang mga susunod na henerasyon ukol sa kaniyang buhay at teachings.
Maliban dito, sinimulan na rin ng Diocese of Kalibo ang tatlong taong paghahanda para sa ika-50 taon na anibersaryo sa 2026.
Target ng Diocese na ilagay sa museum ang koleksyon; ecclesiastical artifacts at archival materials.