-- Advertisements --

Sisimulan na ang pag-customize sa vote counting machines na gagamitin para sa May 2025 midterm elections sa Abril 18 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, magpapadala ang poll body ng isang grupo sa South Korea para obserbahan ang pagsisimula ng Full Automation System with Transparency Audit and Count project.

Paliwanag ni Garcia na parte kasi ng kontrata sa pagitan ng poll body at service provider na SoKor firm na Miru ang pagsasagawa ng obserbasyon para matukoy ang kapasidad ng Miru para mag-manufacture ng vote counting machines at kahandaan nito para maisagawa ang kanilang obligasyon sa darating na halalan.

Nasa 110,000 automated counting machinese ang nakatakdang i-customize ng kompaniyang Miru.

Una rito, nag-isyu ang Comelec ng isang resolution na nagpapahintulot sa hardware customization ng automated counting machiens (ACM).

Kabilang sa inadopt na customization ay ang pagbabago sa posisyon ng camera sa ibabaw na bahagi ng pagpapasukan ng balota, gayundin ang pagpapalaki sa screen ng VCM mula 13.1 inches ay gagawin ng 14 inches.

Kasama din sa iko-customize ang privacy screens na daragdagan ng 3 sentimetro sa parehong side ng Automated Counting Machines screen.

Papahabain din ang cable tie metal holder para sa placement ng serially numbered plastic tie security seal at iba pa.