-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III na hindi utos kundi “advise” lamang ang pagpapaliban sa pagbibigay ng triple pay ngayong Huwebes Santo at Araw ng Kagitingan na regular holiday sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Bello na kung kaya ng employer ay ibibigay ang triple pay ngunit kung hindi kayang ibigay dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) ay puwedeng i-antala ito at ibibigay sa susunod na buwan.

Ayon kay Bello, maraming naghihirap ngayon na employer lalo na ang mga nasa micro, small, at medium enterprises kaya puwedeng iantala muna ang pagbibigay ng triple pay ngayong April 9 at double pay bukas April 10, Good Friday na regular holiday.

Sinabi pa ng kalihim na ang mga nagsara o natigil ang operasyon sa panahon ng Enhanced Community Quarantine ay exempted sa pagbibigay ng nasabing mga holiday pay.