Malaking problema raw ang kakaharapin ng mga bansa sa buong mundo kung sakaling magsimula na ang paghahatid sa mga nadiskubreng mga bakuna laban sa coronavirus.
Ayon sa International Air Transport Association (IATA) malaking problema ang kakaharapin ng airline industry dahil sa kanilang pagtaya aabot sa 8,000 mga dambuhalang Boeing 747s ang kakailangan.
Bagamat wala pang aprubado na COVID-19 vaccine, ngayon pa lamang naghahanda na ang international air transport kung papaano isasagawa ang paghahatid ng mga eroplano, paghahanda sa mga airports para sa tinaguriang “global airlift plan.”
Tinawag ng chief executive ng organisasyon na si Alexandre de Juniac ang gagawing ito bilang “mission of the century.”
Ito kasi ang mangyayari sa global air cargo industry bunsod na mag-aagawan ang mga bansa sa buong mundo para sa mauunang delivery ng bakuna laban sa deadly virus.
Una nang iniulat ng WHO na halos 200 mga nadikubre na COVID vaccines ang sumasailalim ngayon sa mga pagsusuri sa maraming mga bansa bago pumasa bilang bakuna.