-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nagsimula nang mag-deploy ang Pangasinan Police Provincial Office ng mga pulis na magbabantay sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan para sa nalalapit na eleksyon.

Sa impormasyon ay nasa mahigit 100 pulis ang ipinadala sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa probinsiya na magsisilbing augmentation force na magbabantay sa eleksyon.

Walang partikular na bilang kung ilan ang madedestino sa kada police station ngunit nakadepende ito sa pangangailangan ng himpilan.

Bago naman i-deploy ang mga pulis ay sumalang muna ang mga ito sa drug testing.

Paraan ito para matiyak ng pamunuan ng Pangasinan PNP na malinis at walng sinumang pulis ang sangkot sa iligal na droga.

Mababatid na apat na lugar sa Pangasinan ang kabilang sa orange category.

Nangangahulugan na ang mga lugar na ito ay may intense political rivalry at posibilidad na gumamit ng armadong grupo ang magkakalaban sa pulitika.