-- Advertisements --

Idineposito na ng Commission on Elections ang mga na-trusted build na automated election system source codes sa escrow ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kasama sa mga dineposito ang Automated Counting Machine System (AES), Consolidation and Canvassing System (CCS), Election Management System (EMS), Secure Electronic Transmission System (SETS) at ang Online Voting and Counting System (OVCS).

Limang flashdrive ang kabuuan na nilagay ng komisyon sa naturang vault. Ang pag-deposito na ito ay alinsunod sa Republic Act 8436.

Magmula noong 2010 na National at Local Elections, sa Bangko Sentral ng Pilipinas dinedeposito ng poll body ang mga source codes.

Para sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ang kanilang commitment sa tiyakin ang integridad electoral process ng bansa.