Binabalak umano ng Estados Unidos na bawiin ang pag-designate sa Houthi movement bilang isang terrorist organization bilang tugon sa humanitarian crisis sa Yemen.
Ang nasabing hakbang ay isang araw matapos ipatigil ni US President Joe Biden ang suporta ng Amerika sa military campaign na pinangungunahan ng Saudi Arabia sa Yemen, na sinasabing proxy conflict sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.
Ito rin ay sinasabing pagbaligtad sa isa sa mga kontrobersyal na pasya ni dating US President Donald Trump bago ito bumaba sa puwesto.
“Our action is due entirely to the humanitarian consequences of this last-minute designation from the prior administration, which the United Nations and humanitarian organizations have since made clear would accelerate the world’s worst humanitarian crisis,” ayon sa isang opisyal ng US State Department.
Sinabi naman ng opisyal ng Houthi na si Mohammed Ali al-Houthi na nakarating na raw sa grupo ang pahayag na ito ng Amerika tungkol sa Yemen, pero wala pa raw nangyayari.
Una nang inilarawan ng United Nations ang Yemen bilang pinakamalaking humanitarian crisis ng buong mundo kung saan 80% ng mamamayan nito ang nangangailangan ng tulong. (Reuters)