-- Advertisements --
Ipinagbawal na sa Paris ang pagsasagawa ng ehersisyo sa labas.
Ang bagong panuntunan ay epektibo mula alas-10 ng umaga hanggang 7:00 p.m. bilang bahagi pa rin ng gobyerno sa paglaban sa coronavirus.
Nagbabala si Paris Mayor Anne Hidalgo na kaniyang ipapadampot sa kapulisan ang sinumang lumabag sa bagong panuntunan.
Isa kasi ang France sa may pinakamaraming kaso ng namatay dahil sa coronavirus na umaabot na sa 8,911 at ang kumpirmadong kaso ay aabot sa halos 100,000.