Inaprubahan ni Pope Francis ang pag-elevate ng Sta. Cruz Parish Church sa Maynila bilang isang minor basilica, na itinuturing ng simbahan bilang isang makasaysayang parangal.
Sa isang post sa social media nitong araw ng Huwebes, inanunsyo ng Sta. Cruz Parish Church, na kilala rin bilang “Minor Basilica of Our Lady of the Pillar,” na ito na ngayon ay isa sa 25 na simbahan sa Pilipinas na nakatanggap ng naturang titulo.
Ang parangal na ito ay ibinibigay lamang sa mga simbahan na may malaking kahalagahan sa kasaysayan, arkitektura, o espiritwalidad.
Itinatag ang parokya noong 1619, kung saan ang mga misyonaryong Jesuita ang naglingkod sa lumalaking populasyon ng mga Tsino sa lugar.
Noong 1643, isang replika ng Nuestra Señora del Pilar de Zaragoza mula sa España ang ipinatatag, at ang Inang Maria ng Pilar ay naging patroness ng parokya.
Samantala ang orihinal na estruktura ng simbahan ay nasira ng dalawang malalakas na lindol na nawasak naman noong Battle of Manila noong 1945.
Ang kasalukuyang gusali, na may impluwensiyang Baroque, ay natapos noong 1957.