-- Advertisements --
Sisimulan na ang pag-export ng Pilipinas ng produktong durian sa China sa buwan ng Marso ngayong taon.
Base sa impormasyon mula sa Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture (DA), sinabi ng Presidential Communications Office na mayroon ng naka-schedule na shipment ng durian patungong Beijing sa susunod na buwan.
Ibinunyag ng Bureau sa isinagawang pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council ngayong linggo, nasa ilang 7,500 metric tons ng durian ang ipapadala sa China na nagmula sa 59 na iba’t ibang magsasaka o producers.
Ngayong Enero, nasa $2 billion fruit export deal ang napagkasunduan sa China kung saan 54,000 metric tons ng durian ang inaasahang ma-export sa nasabing bansa.