BUTUAN CITY – Kinokonsidera ngayon ng legal team ng Socorro Bayanihan Services Incorporated o BSBI na mas kilala bilang Bayanihan, ang pag-file ng writ of habeas corpus matapos ang pag-contempt ng Senado sa kanilang mga kliyente na sina Jey Rence Quilario, Karren Sanico, Janet Ajoc at Mamerto Galanida.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, aminado si Atty. Hillary Olga Reserva, legal counsel ng mga lider ng Bayanihan na mag-aantay na lamang sila kung kelan ili-lift ng Senado ang contempt order pati na ang takbo ng kanilang imbestigasyon at ang eskedyol ng adjournment sa naturang pagdinig.
Una nang inihayag ni Atty. Reserva na sa ngayo’y wala pa silang nakitang legal remedy laban sa contempt order sa kanilang mga kliyente dahil hindi umano ito maaring i-encroach ng korte sanhi na sususnod pa rin sila sa mga prosesong legal ng Senado.