-- Advertisements --

CEBU CITY – Inirekomenda ngayon ng isang dermatologist ang paggamit ng lotion hindi lang ng alcohol ngayong may kinakaharap na pandemic.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Dr. Michael Vince Busa, sinabi nitong malaki ang maitutulong ng pag-apply ng lotion upang hindi magdry ang balat lalong lalo na ang mga kamay dahil magreresulta umano ito sa pagkasugat na maging dahilan ng impeksyon.

Aniya, usong-uso ngayon ang mga sakit sa balat lalong-lalo na ngayong panahon ng summer.

Pinaalalahanan pa ng doktor ang publiko na uminom ng vitamins, kumain ng gulay at prutas at palagiang paghugas ng kamay upang maiwasan ang iba pang mga sakit para hindi na kailangang magtungo sa ospital ang isang indibidwal.

Nagbigay mensahe naman ito sa kanyang kapwa frontliner na manalangin palagi na gabayan ng Panginoon sa bawat pagharap nito sa mga pasyente.

Dagdag pa nito, dapat manatiling hopeful pa rin na matatapos ang problemang kinakaharap ng buong mundo.