BACOLOD CITY – Kinumpirma ng Philippine Olympic Committee (POC) president at Cavite eighth district Rep. Bambol Tolentino na interesado ang bansa na mag-host ng Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa 2025.
Inanunsyo ito matapos nabigo ang POC sa pagsumite ng hosting bid para sa 2030 Asian Games na ang deadline ay noong April 22 nitong taon.
Kung maaalala, ang Jiu-jitsu athletes na sina Meggie Ochoa at Annie Ramirez ay gold medalists mula Team Pilipinas sa parehong 2016 Asian Beach Games at 2017 AIMAG.
Sa panayam ng Star FM Bacolod sa World Professional Jiu-Jitsu gold medalist na si Ramirez, excited na aniya siya kahit ilang taon pa ang hihintayin habang patuloy lang sa pag-eensayo hanggang sa bumalik ang kanilang mga laro.
”Excited in the same time kinakabahan. Kasi iba ‘pag dito sa home country natin ginaganap ‘yong palaro. Syempre nandoon y’ong naghahalo yong kaba mo kasi mga kakilala mo ‘yong manonood ng live, in the ame time masaya kasi at home ka doon sa lugarkung baga balwarte mo iyong paglalabanan,” pahayag ni Ramirez.
Makikipagkita naman si Tolentino sa National Sports Associations kung magpapadala sila ng mga athleta sa 6th Asian Beach Games, sa Sanya, China mula November 26 hanggang December 5.
Gayundin sa magiging partisipasyon ng bansa sa 6th AIMAG sa darating na May 21 hanggang 30, 2021, sa Bangkok at Pattaya, Thailand.