BUTUAN CITY – Hindi umano ginalang ng tinaguriang Green Senator na si Janet Rice ang talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ginanap na Australian Parliament sa Canberra, Australia.
Ayon kay Bombo International correspondent Denmark Suede sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, nakakagulat na sa kalagitnaan ng talumpati ng pangulo ay itinaas ni Senador Janet Rice ang karatula na may mga katagang “ Stop Human Rights Abuses” kung kaya’t pinalabas ito ng penthouse.
Nakakapagtaka umano dahil noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay tahimik lang ang mga senador kaugnay sa mga nangyaring patayan sa Pilipinas.
Bukod rito’y mayroon ding iilang mga Pinoy ang nagprotesta sa labas ng parliamento.
Dagdag ni Suede, hindi ito ang unang pagkakataon na may nagprotestang mga senador sa Australia dahil ginawa na rin ng ilang myembro sa talumpati ni dating US President George Bush noong 2003.