-- Advertisements --
Hindi na babaguhin pa ng Pag-Ibig Fund ang interest sa mga pautang na pabahay sa kanilang mga miyembro.
Ito ay dahil sa maraming mga miyembro ang nakakapagbayad ng kontribusyon.
Sinabi ni Pag-ibig Fund president at CEO Acmad Moti, na magiging tatlong porsyento na lamang interest sa socialized o affordable housing program habang 5.375 porsyento sa regular housing loan program.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa mataas ang collection efficiency ng nasabing opisina.
Sa mga nagdaang taon kasi ay pinapalitan ng Pag-Ibig Fund ang interest rate sa housing loans kada anim na buwan.