Ibinaba na ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang taunang interest sa mga housing loan kasama na ang house renovation at home improvement loan.
Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, na mayroon na ngayong 6.25 percent ang interest mula sa dating 6.375 percent na nagsimula ngayong Hulyo.
Ang nasabing interest ay lubhang napakalayo kumpara sa mga housing loan na iniaalok sa mga bangko na mayroong pito hanggang siyam na porsyento kada taon.
Base kasi sa kanilang pagtaya na nasa 92 percent na sa mga may utang sa kanila ang nakapagbayad ng utang.