Ipinagpaliban ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang nakatakdang pagtaas ng buwanang kontribusyon ng kanilang miyembro.
Ang nasabing dagdag na singil ay nakatakda sana noong nakaraang taon at ito ay itinakda ngayon 2022 dahil sa patuloy na nararanasang pandemic.
Sinabi ni Pag-IBIG chairman Sec. Eduardo del Rosario na dahil sa maganda ang fiscal standing ng mutual fund ay nagdesisyon sila na ipagpaliban muli ito ngayong taon.
Dagdag pa nito bilang siya rin ang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development na maraming mga achievements ang nakamit ng kanilang opisina nitong 2021 kahit na may nararanasang pandemic.
Isa aniya ng senyales ito na patuloy na sumisigla ang ekonomiya.
Ilan sa mga achivements na kaniyang binanggit ay ang net income na P34.74 bilyon na ito na ang pinakamataas na kanilang nakamit na net income.
Nalagpasan ang P34.37-B noong 2019.
Dahil sa magandang performance ay inirekomenda nito ang pagtaas ng dividend rate sa 5.61 percent kada taon ng Pag-IBIG Regular Savings at 5.66 percen naman para sa MP2 Savings.