-- Advertisements --

Milyun-milyong miyembro ng Pag-IBIG Fund ang masisiyahan sa mas mataas na benepisyo mula sa savings hanggang sa cash at home loan sa plano ng ahensya na itaas ang halos apat na dekada nang mandatory monthly savings para sa parehong mga miyembro at kanilang mga employer simula Pebrero 2024.

Sa pagpapahayag ng kanyang pasasalamat sa suporta ng mga stakeholder sa plano ng Pag-ibig na taasan ang monthly contribution rate.

Tiniyak ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta sa mga miyembro ng mas magandang benepisyo sa ilalim ng bagong rates ng ahensya.

Sa ilalim ng bagong rates, ang mga miyembro ay magkakaroon ng mas mataas na Pag-IBIG savings na kumikita ng taunang dibidendo na kanilang matatanggap sa membership maturity o retirement.

Sinabi ng Pag-IBIG Fund chief na si Acosta na nasiyahan sila sa suportang ibinato ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Federation of Free Workers (FFW), Philippine Government Employees’ Association (PGEA), Overseas Filipino Workers’ (OFW). organisasyon at ECOP sa mga plano nitong itaas ang mga rate ng kontribusyon.

Simula sa susunod na buwan, ang buwanang ipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund para sa bahagi ng empleyado at katapat ng employer ay tataas sa P200 bawat isa mula sa kasalukuyang P100.

Kasunod ito ng pagsasaayos sa maximum monthly compensation na gagamitin sa pag-compute ng kinakailangang dalawang porsyentong ipon ng empleyado at dalawang porsyentong share ng employer para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, na tataas na ngayon sa P10,000 mula sa kasalukuyang P5,000.