-- Advertisements --
Tiniyak ng PAG-IBIG fund na susunod sila sa dalawang buwang palugit sa hindi muna pagbabayad ng utang ng kanilang miyembro.
Kasunod ito sa pagpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Bayanihan 2 Law.
Sinabi ni PAG-IBIG CEO Acmad Moti, na hindi moratorium at sa halip ay grace period lamang ng dalawang buwan kaya mayroon pa rin interest ang mga utang.
Ibig sabihin nito aniya na maninigil ang bangko ng 2 buwan na interest pero walang anumang penalties.
Magugunitang laman ng Bayanihan 2 law ang pagpapalawig ng dalawang buwan na pagbabayad ng pautang para sa mga taong naapektuhan ng coronavirus pandemic.