-- Advertisements --
Inihahanda na ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang nasa P4.4 billion na halaga ng calamity loans para sa mga miyembro nila na nasalanta ng bagyong Rolly.
Ayon kay Secretary Eduardo del Rosario, ang namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nakahanda na silang magpautang sa 226,170 na miyembro nila.
Nakasaad sa kanilang load program na maaaring umutang ang mga miyembro ng hanggang 80% ng kanilang Regular Saving.
Puwede aniya umutang ang mga miyembro hanggang 90 araw mula ng deklara ang state of calamity sa lugar.