Naglaan ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng P5 billion calamity loans upang matulungang makabangon ang mga naapektuhang miyembro na sinalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Secretary Eduardo del Rosario, ang head ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund board of trustees, na palagi aniyang nakahanda ang ahenisya upang matulungan ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng Calamity Loan Program.
Sa ilalim ng Pag-IBIG calamity loan program, ang mga eligible na miyembro ay maaaring makapag-loan ng hanggang 80% ng kanilang total Pag-IBIG Savings na binubuo ng kanilang monthly contributions, contribution ng kanilang employer at naipong accumulated dividends.
Mayroon lamang itong 5.95% interest rate per annum na pinakamababa na ayon sa ahensiya at maaaring bayaran ng hanggang tatlong taon at may grace period pa na dalawang buwan kung saan maaaring bayaran ang initial payment tatlong buwan matapos maibigay ang calamity loan.
Maaaring makapag-apply para a calamity loan ang kwalipikadong miyembro sa loob ng 90 araw mula sa petsa mula ng ideklara sa state of calamaity ang isang lugar.
Ang mga miyembro naman na nasa apektadong lugar na mayroong access sa internet at may Pag-IBIG Loyalty Card Plus, Land Bank Of the Philippineso United Coconut Planter’s Bank cash card ay maaring makapagsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG.