-- Advertisements --
Nag-alok ang Pag-IBIG fund ng calamity loan sa mga miyembro nito na apektado ng bagyong Carina.
Ayon sa ahensiya na mayroong calamity loan funds silang inilaan para tulungan ang mga apektadong miyembro sa Metro Manila, Cainta, Baco at probinsya ng Batangas na nasa ilalim ngayon ng state of calamity.
Magdadagdag pa sila ng pondo kung sakaling may ilang lugar na magdeklara ng state of calamity.
Ang kuwalipikadong miyembro ay maaring makahiram ng 80 percent ng kanilang kabuuang PAG-IBIG Regular Savings.
Mayroong interest rate ito ng 5.94 percent at ang payment terms ay mula 24 o 36 months at ang unang bayad ay isisingil pagkatapos ng dalawang buwan.