-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Pinapayuhan ng Office of the Provincial Veterinarian ang publiko hinggil sa muling pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Benguet.
Iginiit ng opisina na wala pang gamot sa ASF kaya’t kailangan ang pag-iingat laban dito.
Ipinayo ng opisina ang paglalagay ng foot bath at bakod sa mga kulungan ng mga baboy at ang palagiang paghugas ng kamay gayundin ang pagpalit ng tsinelas ng mga nag-aalaga ng baboy.
Ayon pa sa veterinary office, hindi maaaring ipakain sa mga baboy ang mga leftovers o mga tira-tirang pagkain.
Maaalalang kinumpirma ng opisina na nasawi ang 30 baboy sa Itogon at La Trinidad, Benguet dahil sa ASF.