-- Advertisements --
PINE TREE
Pine tree/ Tripadvisor image

BAGUIO CITY – Ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsasagawa ng bawat barangay sa lundsod ng imbentaryo sa mga pine trees o puno ng pino sa Baguio City.

Ito ay matapos matuklasan ang sadyang pagpatay sa 45 na pine trees sa isang bakanteng lote sa Legarda Road, Baguio City.

Natuklasan na nalagyan ng barena at kemikal ang mga pine trees para agad na malanta hanggang sa mamatay ang mga pine trees sa nasabing lote.

Ayon kay Executive assitant to the mayor Benjie Macadangcang, nagsasagawa ng pag-aaral ang Baguio City Legal Office para malaman ang magiging aksyon ng lokal na pamahalaan sa naturang bagay.