-- Advertisements --
Naniniwala ang Human Rights Watch (HRW) na malaki ang benepisyo ng mga biktima ng drug-war ng gobyerno sa mga taga-Davao City ang gagawing pag-imbestiga na ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Human Rights Watch senior Philippines researcher Carlos Conde na bukod sa mga biktima ng drug war sa bansa ay makikinabang din dito ang mga biktima ng tinatawag na “Davao death squad.”
Ang hakbang aniya ito ng ICC ay magtutulak sa mga biktima na lalong makahanap ng sapat na hustisya sa kanilang mga pamilya.
Magugunitang sinabi ng ICC na iimbestigahan na nila ang nagaganap na drug war sa bansa dahil isang uri daw ito ng mga paglabag sa karapatang pantao.