-- Advertisements --

Naglatag na ng mga imbitasyon ang UK Foreign Affairs ukol sa pag-imbita sa mga dadalo sa libing ni Queen Elizabeth II sa darating na Lunes ika-19 ng Setyembre.

Babasbasan ang labi ng reyna sa Westminster Abbey – ang makasaysayang simbahan na kung saan kinoronahan noon ang hari at reyna ng Britanya.

Ang paglagak sa katawan ni Queen Elizabeth II sa huling hantungan ay ganap na alas-11:00 ng tanghali, oras sa UK at alas sais naman ng gabi, oras sa Pilipinas.

Samantala, hinihiling naman ng UK na sana hindi pribadong mga jets ang sasakyan ng mga makikiisa kundi ay “commercial jets at buses patungong London.”

Dagdag pa ng funeral organizers, nais din daw ng kanilang gobyerno na mga head of state at kanilang asawa lamang ang dadalo sa nasabing libing.

Sinasabi naman na ang libing ni Queen Elizabeth ay isa sa magiging makasaysayang kaganapan sa UK sa mga nagdaang dekada.

Kabilang naman sa kumpirmadong dadalo na sa state funeral ay si United States President Joe Biden. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)