-- Advertisements --
Nakatakda ngayong araw na simulan ng Commission on Election ang pag-imprenta ng nasa mahigit 73 Million na mga balota sa National Printing Office, Quezon City para sa halalan 2025.
Kaugnay pa nito inilabas na rin ng komisyon ang ballot face template o ang itsura ng balota na gagamitin para sa overseas voting at local absentee voting. Ito ang uunahing iimprenta ngayong araw.
Mula Enero 6 hanggang April 14 o 77 na araw ang timeline ng komisyon para sa pag-imprenta ng mga balota. Kaya naman ang target ng komisyon ay mag-imprenta ng nasa mahigit 800 thousand hanggang 1 million na mga balota kada araw.