Inanunsiyo ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na target ng poll body masimulang muli ang pag-imprenta ng mga balota sa Sabado, Enero 25 at kasabay din na gaganapin ang mock elections.
Sinabi ni COMELEC Chairman Garcia, magmula ngayong araw ay ipagpapatuloy nila ang pagbabago ng database ng komisyon, pag-seserialize ng mga balota, at pagsasaayos ng bagong ballot face template. Ito ay kanilang kailangang matapos bago dumating ang Sabado para sa muling pag-imprenta ng mga balota.
Pagdating naman sa mock elections na gaganapin, namili ang komisyon ng ilang lugar sa bansa pati na rin sa overseas para lumahok. Ang mga gagamitin dito ay mga test ballots pa lamang, ibig-sabihin ang mga nakalista pa lamang sa naturang balota ay mga hindi pa tunay na pangalan ng mga kandidato, kaya naman walang problema kung ito ay makakasabayan ng pag-imprenta muli ng mga balota.