-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Nakumpleto ng Commission on Elections ang pag-imprenta ng mga balota at iba pang plebiscite form upang pagtibayin ang conversion ng Munisipyo ng Baliuag, Bulacan, sa isang component city.

Ang poll body, katuwang ang National Printing Office, ay gumawa ng 108,572 official ballots hanggang 10:59 a.m.

Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco magsisimula na ang sheeting at cutting at pagkatapos ay isasailalim ang mga balota para sa verification para sa kalidad at dami.

Isasagawa ang plebisito sa 27 barangay sa Baliuag, Bulacan, sa Disyembre 17.

Ayon sa Office of the Deputy Executive Director for Operations, mayroong 591 itinatag na presinto at 200 clustered precincts para sa plebisito.

Magkakaroon din ng 26 voting centers sa Disyembre 17.

Ang Republic Act 11929, na naging batas noong Hulyo 30, ay nagtadhana para sa conversion ng Bayan ng Baliuag sa lalawigan ng Bulacan sa isang component city.