Sisimulan na ang pag-imprinta ng mga balota para sa isasagawang plebisito sa Marawi city sa araw ng Sabado, Pebrero 25.
Nasa mahigit 13,000 official ballots ang target na maimprinta para sa nasabing plebisito.
Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na ti-nap nila ang Asian Productivity Organization (APO) Production Unit sa Bicutan, Parañaque City para sa pag-imprinta ng mga balota sa halip na National Printing Office (NPO).
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ,ito ang unang pagkakataon na hindi ang NPO ang ti-nap ng poll body dahil abala din ang nasabing tanggapan sa pag-imprinta ng mga balota na gagamitin naman para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre ngayong taon.
Inaanyayahan naman ng poll body ang citizen’s rm group, media at ib apang stakeholders na tunghayan ang nasabing aktibidad.
Sa unang plebsito, layunin na makalikha ng Barangay Boganga II mula s Mother Barangay of Baganga, sa ilalim ng City Ordinance 07-010 series of 2022.
Sa kabilang banda, sa City Ordinance 05-010 series of 2022 inaprubhan ang ikalawang plebisito para sa paglikha ng Barangay Datu Dalidigan mula sa Mother Barangay of Sagonsongan.