-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagkakaroon ng national policy sa paglimita ng paggamit ng videoke at pag-inom ng mga nakakalasing na inumin.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na bagamat mayroon ng kaniya-kaniyang ordinansa ang bawat Local Government Unit (LGU) ay nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang pagkakaroon ng pare-parehas o unipormadong batas.
Ikinumpara ni Nograles ang tagumpay ng pagpapatupad ng batas sa Davao City.
Nilinaw naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na nasa kamay na ng local na pamahalaan ang nasbing pagpapatupad ng kani-kanilang mga ordinansa.