VIGAN CITY – Iminungkahi ng Magsasaka Partylist ang pag-iinvest sa mga infrastracture projects kasunod ng mga bilyong-bilyong pisong halagang pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo sa sektor ng agrikultura
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat, mahalaga umano na may mga pasilidad na paglalagyan ng mga hayop kung sakali mang may mga kalamidad na dadating sa bansa.
Aniya, mahigit isang daang baka rin umano ang namatay dahil sa mga nagdaang bagyo kaya naman agad silang nakipag-ugnayan sa Department of Agriculture upang matugunan ang pangangailangan ng mga nag-aalaga ng nasabing hayop.
Iginiit ng kongresista na pondo umano ang pinaka-hinihiling nila sa kongreso upang matulongan ang mga apektado sa sektor ng agrikultura at makabangon mula sa kanilang pagkakalugi.